Nung hayskul ako naiinggit ako sa isang batch na nauna sa ‘min na nakapunta sa Senado. Di ko naman lubos akalain na kapag nakarating na nga ako doon, hindi ako papapasukin at haharangin pa ng isang hilera ng mga pulis. Bakit kamo? E kasi naman, sa unang pagkakataon, sumama ako sa rally.
Nakakapagod, nakakahilo, puro init at pawis. Sobrang napagod ako at pakiramdam ko pag umupo ako, bigla na lang ako matutumba. Pero kahit pagod ka na, nakakatuwa pa ring sumabay sa mga chant. Maliban sa mga banners, streamers, tarp at mga bandila, kasali sa props ang haggard at pawisan na mukha, gulo gulong buhok at panyong basang-basa sa pawis.
Isa lang talaga ang hindi ko makakalimutan sa experience na ‘yon. May bahagi talagang parang point of ecstasy. Parang naka-drugs. Parang orgasm. Pero di ko naman alam ang feeling nung huling dalawa, sabi lang nila sa kwento. He he. Ibang klase, may nagmamartsa, naka-saklay, nakawheel chair.
Alam mo yung kahit mainit at pawisan na kayo, bigla ka lang kinikilabutan. Ewan ko kung gutom lang ako o yun yung Alan Peter Cayetano at iba pang mga magagaling na aktibistang nagsasalita.
Sayang huli na noong naisip ko na karangalan sana ang makadaupang palad ang isang tunay na aktibista. Sayang talaga.
Pero may iba na rin akong nasubukan maliban sa gano’ng kilusan o samahan. Parehong musika. Parehong paniniwala. Parehong pagkilos tungkol sa isang isyung panlipunan. At sa tatlong ‘yon, maraming mga bagay na napansin kong magkakatulad.
Pare-parehong may nagsasalita, may kumakanta, may sigawan, pawis at siksikan. May hardcore, KJ at mga passive lang. May nag-eenjoy, bored at mga nagyayakag nang umuwi. May mga lagi nang kasama at kilala na ang mga taong nandoon at mga baguhan na sinusupplyan nila ng sagot sa mga tanong. May bata at matanda. May mga gwapo, maganda, cute, hot at IBA pero lahat nagmumukhang haggard pagkatapos dahil sa init at pagod. May digicam, phone cam at pro cam. May picture picture, pose pose, wacky wacky pero wala namang jump shot jump shot kasi pare-parehong napakaraming tao, kanan kaliwa harap at likod. May nakikinig at mayro’ng may sariling mundo. May pagod at may umaapaw na energy. May mga sikat, may parokyano, may mga nahila lang.
At kahit tapos na ang lahat, parang naririnig at ramdam mo pa rin ang mga kantahan at sigawan.
Nakakalungkot nga lang, dahil sa tatlong yun, sa huli ang dami daming kalat. Patunay lang na lahat ng klase ng tao nagcocontribute sa polusyon sa mundo, but that’s another issue.
May isa pa nga pala kong nakalimutan na pagkakapareho nung tatlo, pagdating mo sa ending, yung mga madalas talagang nagpupunta sa mga ganung pagtitipon, pare-pareho lang linya nila sa’yo, “Sige, ingat. SA SUSUNOD ULIT.”
Sabi nga nila, experience is the best teacher. Madami nga akong natutunan sa pagsama ko sa rally na ‘to. Pero yung mga feeling ng mga binabato, pinupukpok, tinataboy ng fire hose, okay na sa ‘king matutunan ko sa experience ng iba. Hindi naman lahat ng bagay kailangang malaman mo first-hand.
0 nagbigay kwenta:
Post a Comment