19 September 2010

Notes to myself

Hi Me,
Alam mo yung pwede kang umabsent sa klase, maging late every single day pero alam mo, KAILANGAN MONG PUMASA E. TSAKA PWEDE TIGILAN MO NA PAGRARANT MO? NAKAKAASAR KA NA. PURO KA REKLAMO WALA KA NAMANG GINAGAWA. WALA KANG NAAACCOMPLISH. WALANG NANGYAYARI SA'YO. WALA KA PANG NAPAPATUNAYAN. AKALA MO MAY NAKIKINIG? EPAL KA. WALANG MAY PAKIALAM SO STFU. BOBO KA, KAILANGAN MO MAG-ARAL.

Ayusin mo na yang acads mo. Less than a month na lang yan matatapos na rin yan. Pagkatapos niyan, gawin mo naman yung maliliit na responsibilidad mo. Isang beses sa isang buwan ka na nga lang pinapapunta sa office nila di mo pa mapuntahan. Baka lang nakakalimutan mo na sila nagbabayad ng tuition mo? Papaalala ko lang.

Nga pala, nakatira ka sa bahay niyo. Hindi yun dorm. Tumulong ka naman sa bahay. Antamad mo, grabe.

Fine, iturn off mo yang social life mo hangga't hindi mo pa maayos sarili mo.

Akala mo lang kasi isip ka ng isip pero sa totoo lang, hindi ka nag-iisip. Mag-isip ka nga. Good. Siguro, a few weeks from now, tatawanan mo 'tong sinabi ko pero the hell, sigurado akong hindi ka nakarating dyan ngayon kung hindi ka dumaan sa insanity point na 'to. Badtrip. Adios.


PS Ang pangit ng layout ng blog na 'to. NAKAKALULA. ANO BA YAN.

0 nagbigay kwenta: