mga kwentAng walang kwentO.
kwenta ng kwenta, wala namang kwento.
29 January 2012
Change
29 December 2010
EX Files
12 December 2010
Pen
Minsan, hindi ko alam kung ano ang trip ng mga proseso sa katawan ko at tumatapat pa talaga ang tanda ng pagkababae ko tuwing may eksam kami sa iskul. DUH, malamang kasi mas mahalaga yung eksam kaysa sa bwakanginang cramps na ‘to kahit isininusuka ko na ang bituka ko at di ako makatayo. Mas mahalaga talaga eksam pramis. Napakaepal talaga.
Syempre, marami na naman akong nasubukan para mawala ang sakit tuwing natitripan na naman ng uterus ko na maglaslas. Naproxen, paracetamol, ibuprofen. Pagmamakaawang dalhin ako sa ospital para turukan ako ng kahit anong pain reliever (pero hindi gumana ang acting ko, malamang natunugan nilang adik ako.) Nasubukan ko na rin ang mga tradisyonal, hot compress, pahid pahid, tsaka yung pad na dinidikit, nakalimutan ko pangalan. Pero kahit nag-aamoy matanda na ‘ko, ayaw talaga. Ayon sa mga nabasa ko, kailangan daw ng balanced diet, less salt, low carbohydrates, less caffeine. P0ta, ampayat payat ko na nga binawasan pa kakainin ko. Kaya hindi ko yun pinansin. Haha, choosy ako e, ba’t ba? Nirekomenda rin sa akin ang ehersisyo lalo na ang istretching. Masyado akong tamad para sa ganitong bagay.
Maliban sa pagkonsulta sa doktor, isa na lang ang natira sa listahan. Sex. Pero syempre, wholesome tayo dito kaya hindi natin yun pag-uusapan. Wholesome tayo di ba? Next time na lang, sa ibang blog. Pero nacurious ako dito. Kung epektib. Joke.
Malapit na malapit na naman ako magpacheck up talaga pero baka sa bakasyon pa yun. Lam niyo naman, busy-busyhan akong tao. Wala akong panahon magpacheck-up, magblog meron. So ayun na nga, sana wag naman mismo sa araw ng eksam ako saniban ng masamang espiritu at magwala na naman dahil sa mittleschmerz (parang ganyan yung maarteng tawag dun e.)
Sige! Ang di makarelate, buti nga sa inyo!
04 December 2010
R17
The Budget Cut Experience
Nung hayskul ako naiinggit ako sa isang batch na nauna sa ‘min na nakapunta sa Senado. Di ko naman lubos akalain na kapag nakarating na nga ako doon, hindi ako papapasukin at haharangin pa ng isang hilera ng mga pulis. Bakit kamo? E kasi naman, sa unang pagkakataon, sumama ako sa rally.
Nakakapagod, nakakahilo, puro init at pawis. Sobrang napagod ako at pakiramdam ko pag umupo ako, bigla na lang ako matutumba. Pero kahit pagod ka na, nakakatuwa pa ring sumabay sa mga chant. Maliban sa mga banners, streamers, tarp at mga bandila, kasali sa props ang haggard at pawisan na mukha, gulo gulong buhok at panyong basang-basa sa pawis.
Isa lang talaga ang hindi ko makakalimutan sa experience na ‘yon. May bahagi talagang parang point of ecstasy. Parang naka-drugs. Parang orgasm. Pero di ko naman alam ang feeling nung huling dalawa, sabi lang nila sa kwento. He he. Ibang klase, may nagmamartsa, naka-saklay, nakawheel chair.
Alam mo yung kahit mainit at pawisan na kayo, bigla ka lang kinikilabutan. Ewan ko kung gutom lang ako o yun yung Alan Peter Cayetano at iba pang mga magagaling na aktibistang nagsasalita.
Sayang huli na noong naisip ko na karangalan sana ang makadaupang palad ang isang tunay na aktibista. Sayang talaga.
Pero may iba na rin akong nasubukan maliban sa gano’ng kilusan o samahan. Parehong musika. Parehong paniniwala. Parehong pagkilos tungkol sa isang isyung panlipunan. At sa tatlong ‘yon, maraming mga bagay na napansin kong magkakatulad.
Pare-parehong may nagsasalita, may kumakanta, may sigawan, pawis at siksikan. May hardcore, KJ at mga passive lang. May nag-eenjoy, bored at mga nagyayakag nang umuwi. May mga lagi nang kasama at kilala na ang mga taong nandoon at mga baguhan na sinusupplyan nila ng sagot sa mga tanong. May bata at matanda. May mga gwapo, maganda, cute, hot at IBA pero lahat nagmumukhang haggard pagkatapos dahil sa init at pagod. May digicam, phone cam at pro cam. May picture picture, pose pose, wacky wacky pero wala namang jump shot jump shot kasi pare-parehong napakaraming tao, kanan kaliwa harap at likod. May nakikinig at mayro’ng may sariling mundo. May pagod at may umaapaw na energy. May mga sikat, may parokyano, may mga nahila lang.
At kahit tapos na ang lahat, parang naririnig at ramdam mo pa rin ang mga kantahan at sigawan.
Nakakalungkot nga lang, dahil sa tatlong yun, sa huli ang dami daming kalat. Patunay lang na lahat ng klase ng tao nagcocontribute sa polusyon sa mundo, but that’s another issue.
May isa pa nga pala kong nakalimutan na pagkakapareho nung tatlo, pagdating mo sa ending, yung mga madalas talagang nagpupunta sa mga ganung pagtitipon, pare-pareho lang linya nila sa’yo, “Sige, ingat. SA SUSUNOD ULIT.”
Sabi nga nila, experience is the best teacher. Madami nga akong natutunan sa pagsama ko sa rally na ‘to. Pero yung mga feeling ng mga binabato, pinupukpok, tinataboy ng fire hose, okay na sa ‘king matutunan ko sa experience ng iba. Hindi naman lahat ng bagay kailangang malaman mo first-hand.
Parang Di Ako
Isang gabi pauwi, may nakatabi akong magsyota. Noong una, kebs lang. Madalas naman talaga akong may nakakatabing magjowa sa jeep. Pero dahil nang lumuwag luwag na, unti unting sumisimple ang boylelet ng damoves ng braso nya sa likod ng babae, meron akong napagtanto: Manyak ang lahat ng lalake.
Matagal ko nang sinasabi na ayaw kong mag-asawa sa pyuchur. At gagawin ko lang yun kung makakakilala ako (at makakabulag) ng lalakeng kahit iseduce ko ay di ako papatulan. Hindi dahil bading siya at ginagawa niya rin yun, kung hindi dahil nirerespeto niya ko. Naks!
Malandi ang magsyotang nakatabi ko. At maingay. Hindi yung ingay na iba, yung normal lang na kwentuhan. December 10 o 11 ang birthday ng babae. Sabi niya kasi, grabe noh, anong date na ba ngayon, ilang araw na lang kinse na ako. At halatang nagpaparinig siya na regaluhan siya ng istaptoy na mangangain ng alikabok sa bahay nila, ng bulaklak na wala ring silbi at mabubulok lang o ng tsokolate na iiimbak niya sa ref ng mga dalawang lingo bago niya kainin (isang piraso sa isang araw). Pero pakiramdam ko bingi lang ako. Oo, tama nga siguro na bday niya na sa susunod na lingo pero tingin ko hindi lang sya magkikinse, mukha na kasi siyang magbebente singko. Dahil diyan, pangalanan na lang natin siyang Bente singko girl. Yung lalaki naman, hindi ko katabi kaya wala akong masabi sa kanya. Itago na lang natin siya sa pangalang Gelboy. Dahil naka-gel siya.
Noong una, lumalafang lang si Bente singko girl ng sundae galing sa Mcdo. (I was not paid for this advertisement.) At dahil todo lafang siya, siguro nung una hindi rin talaga makaporma si Gelboy. Gayunman, noong tumagal-tagal na hindi ko na alam kung san napunta yung baso ng sundae ni Bente singko, baka aksidentali nakain niya na rin, mejo chubby siya e. Oh sige, hindi na lang ako magsisinungaling. Medyo mataba siyang talaga. Ayan na. Ang kaliwang siko ng Gelboy nasa likod na ni Bente Singko. Maya-maya, nawala ang kamay ni Gelboy at naikubli sa dakong madilim. Wag madumi ang isip, nagholding hands lang pala sila. Ayos lang naman until si B.S. nakahiga na sa balikat ni Gelboy. At ang Gelboy, biglang narinig ko na lang na nagsabi ng uyyy selos siya. At sang-ayon naman si BS na selosa nga siya sabay tampururot ng kaunti, sabay higa na ulit sa balikat ng Gelboy sabay bawi sabay ahihihi sabay tampururot ng kaunti (repeat until tired).
Ewan ko lang ha. Pero noon naman todo rin ako magPDA. Hindi na ko magmamalinis dahil wala naman nagbabasa dito. Pero ngayon, naiintindihan ko na kung ba’t ang daming nababadtrip sa mga PDA. Lalo na yung mga walang syota at nagmamahal sa buhay. Joke. Tsaka medyo konserbatib na rin kasi ako ngayon. Joke ulit. Nakakapikon talaga, parang mga pusa lang kasi sa mating season. Pvtanglna, alam mo yung gusto mo lang basta manapak ng tao? Ganun. Lol, ang bayolente e.
Nakakainis no? Yung mga mukhang mag-asawa na ayos lang e. Kasi hindi sila nag-iinarte ng ganun. Ayoko na lang talagang nakakarinig ng mga uyyyy, suuus, kunwari pa to oh, sorry na kasi, oh siya sorry na, yamxhyu(kasi pabulong), *mwah*, *tsup!*, ahihihi (Oo, may natawa ng ganito in real life). Siguro isa na rin dahil sa labless talaga ako ngayon kaya ayaw ko makakita o makarinig man lang ng mga landian na malamang next week ay iba na ang ka-mwahmwahtsuptsup-an. Pwede ring kasi wala naman ako sa ganong sitwasyon ngayon dahil labless ako. Tsaka nabanggit ko na ba na dahil yun sa wala akong lablayp ngayon? Pero ang totoo, ayoko ng kalandian. Gusto ko seryosohan. Joke. P0ta, kagulo parang ano e noh? Di maintindihan kung ano joke at hindi.
Oh, basta. Kayo na bahala. Ayaw niyo rin ba ng PDA(Public Display of Affection) tulad ko? Kung oo, malupit ka. Siguro pareho tayo ng dahilan: parang mas masaya naman ang Private Display of Affection di ba?